Sa muling pagpapatuloy ng pamamahagi ng libreng limang kilong bigas, na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, nakatanggap ang 801 residente mula sa Barangay Mabolo at 1,300 naman mula sa Barangay Zapote 3.
Ito ay bahagi ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang buong Team Revilla, na tugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.