Isa sa inaabangan ng mga Bacooreño ang pamamahagi ng bigas sa mga Barangay sa Lungsod ng Bacoor. Ngayong araw, pinangunahan ito ni Cong. Lani M. Revilla kasama sina Councilor Alex Gutierrez, Kuya Noli Galvez, at iba pang kawani ng Lungsod na katuwang sa pamamahagi ng bigas.
Umabot sa 1,037 ang nakatanggap ng bigas na residente ng Talaba 3.
Sa mensahe ni Cong. Lani M. Revilla, nagpasalamat ito kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa patuloy na pagtulong sa Lungsod ng Bacoor at sa mga Bacooreno na nangangailangan.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, at mga Sangguniang Panlungsod Members ay patuloy sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na makakatulong sa mga Bacooreno.
Si Kap. Emmanuel Trinidad ay naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod para mapanatili ang maayos na pamamahagi ng bigas.
“As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!”
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.