Noong Agosto 8, 2024, isinagawa ang pakikipagtulungan ng City Government ng Bacoor sa pamumuno nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola kasama ang DedEd para sa pamamahagi ng mga bags at school supplies.
Nanguna sa programa sina Coun. Rey Palabrica at Coun. Simplicio Dominquez para sa Progressive Elementary School samantalang si Coun. Obet Advincula naman para sa Gawaran Elementary School. Kasama rin sa programa ang mga principal, guro, at mga mag-aaral ng dalawang paaralan.
Layunin ng aktibidad ang pagbibigay ng tulong at suporta sa mga mag-aaral mula sa Kinder at Grade 1 sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bags at school supplies.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.