Upang suportahan at palakasin ang sektor ng mga senior citizens sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, kasama ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at National Commission of Senior Citizens (NCSC), ay nagsagawa ng Capacity Training para sa mga nakatatanda.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman sa wastong paggamit ng mga pribilehiyo ng mga senior citizen at ang mga kaukulang benepisyo. Kasama rin dito ang pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa Universal Pension for Senior Citizen Bill upang matiyak ang kanilang karapatan sa pensyon.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang pagpapa-rehistro online sa NCSC upang maging kwalipikado sa nasabing pensyon. Para sa karagdagang detalye ukol dito, bisitahin lamang ang NCSC website: [https://www.ncsc.gov.ph](https://www.ncsc.gov.ph).
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.