Simula Hulyo 1, 2024, babalik na ang mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa regular na limang araw na workweek, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM. Ito ay alinsunod sa bagong kautusan na ipinahayag ni Mayor Strike B. Revilla sa ilalim ng Executive Order No. 92-A-2024.
Ang bagong kautusan ay nagkakansela sa naunang Executive Order No. 92-2024, na nagpatupad ng compressed workweek plan mula Abril hanggang Agosto ng 2024. Layunin ng pagbabago na ito na mapabuti ang episyenteng pagganap ng mga tungkulin ng lokal na pamahalaan at mas maayos na mapagsilbihan ang mga mamamayan ng Bacoor.