Isa sa binigyan pansin ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapadali ng transaksyon ng mga mamimili sa palengke, kaya naman ang City Treasury, Admin Office at BPLO ay nagsagawa ng dalawang araw na programa para talakayin at pag-usapan ang Financial Literacy on boarding program na nais gawin ng Pamahalaang Lungsod sa ating mga palengke at iba.
Inanyayahan ang ibat-bang sektor ng negosyo kung saan ang unang sumalang sa programa ang Night Market Vendors, Resort Owners, Coop Officers & Members at Livelihood.
Sa pangalawang araw ng programa sumalang naman ang TODA/TRANSPORT at mga Business owners na sila mismo ang magpapatupad ng batas.
Inanyayahan din ang ibat-ibang Banko para maging katuwang ng pamahalaang Lungsod para mas madaling mailapit sa mga BacooreƱo kung ano ba ang kahalaga ng pagbabayad gamit ang digital transaksyon.
Ipinakita ng Treasury Office, Admin Office, at BPLO ang kanilang makakaya para mas lalong mapadali ang pagbabayad ng ating mga kababayan.
Hinimok rin ni Mayor Strike B. Revilla ang mga BacooreƱo na gamitin narin ang QR-Code bilang pagbabayad sa mga nabiling produkto.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members ay suportado ang mabilis na transaksyon sa pagbabayad.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.