Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang ibang opisyal ng Lungsod ng Bacoor ang ika-39 International Coastal Cleanup na ginanap sa Mangrove area sa Barangay Sinbanali.
Mahigit anim na raang Bacooreño mula sa ibat-ibang sektor, kawani, opisyal ng Lungsod, Barangay opisyal ang nakiisa sa IKA-39 INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP 2024.
May-roong 4 to 5 Tons na basura ang nakulekta sa mahigit anim na oras na paglilinis sa baybaying dagat.
Nakasama naman ni Mayor Strike B. Revilla sila DILG Regional Director Ariel Iglesia, Ms. Nancy Costelo – DILG Cluster head, Barangay Chairwoman Caridad Sanchez, TJ Gonzales – Manager of Meralco, Ms. Samanta Panilio – Rep. of Agimat Lartylist, Councilo Engr. Levy M. Tela, Coun. Alde Pagulayan, Sk Federation Pres. Sk Palm Buncio, Mr. Allan Chua, Mr. Rolando Vocalan at ibang Sk Kagawad.
Naging highlight ang pakikiisa ng Ms. Bacoor 2024 sa paglilinis sa mangrove at ipinakita ang kanilang suporta na dapat pangalaan ang ating kalikasan.
Sa huli, lubos ang pasasalamat ni Mayor Strike B. Revilla sa mga nakiisa sa Ika-39 International Coastal Cleanup.
Patuloy ang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa Pambandang Pamahalaan para sa kalinisang nais ng bawat isang Pilipino.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.