Mga kababayan, ngayon ay kinakaharap natin ang matinding pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa ating Lungsod. Ang inyong lingkod ay naglabas ng Executive Order upang higpitan pa ang ating guidelines habang tayo ay nasa Modified General Community Quarantine o MGCQ.
Narito ang laman ng aking Executive Order No. 06 Series of 2021
1. Mahigpit na pagpapatupad ng Curfew (10PM to 4AM).
2. Bawal lumabas ng bahay ay may edad 14 years old pababa at 66 years old pataas.
3. Ang pag-inom ng alak ay pinahihintulutan sa loob lamang ng inyong mga bahay. Ang pagbili o pagbenta ng anumang klase ng alak ay pinagbabawal sa panahon ng curfew.
4. Ang mga business establishments ay kinakailangan nang magsara sa ganap na alas-9 ng gabi.
5. Mandatory ang pagsusuot nang maayos ng face masks at face shields sa mga pampublikong lugar at transportasyon.
6. Agapan ang pag-isolate sa mga Covid19 patients na naka-home quarantine upang maiwasan ang hawaan sa loob ng mga tahanan.
Kung kayo ay may sintomas na nararamdaman na may kaugnayan sa Covid-19, agad na ipagbigay alam sa inyong mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) o HOA HERT. Maaari din kayong tumawag sa Alert 161.
Mag-ingat ang lahat! Iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman para sa pagbili ng essential goods tulad ng pagkain at gamot ang inyong gagawin.
Stay at home. Stay safe. Save lives.
Sama-sama, tulong-tulong nating PUKSAIN ANG COVID-19! We heal as one. We will BEAT COVID-19 as ONE!