August 03, 2023 (Thursday) – Kasama ang mga Safety Officers mula sa iba’t ibang departamento ng Bacoor City, nagsagawa ng isang pagsasanay ukol sa Occupational Safety and Health (OSH) Standards para sa sektor ng Pamahalaan. Ito ay bahagi ng pagsunod sa Republic Act 11058 at ang mga kaugnay nitong batas at regulasyon, Department Order No. 198 Series of 2018, at joint memorandum Circular No. 1 Series of 2020 mula sa DOLE, Department of Health, at Civil Service Commission.
Ang pagsasanay na ito ay naganap sa 5th floor training hall ng Legislative and Disaster Resilience Building. Layunin nito ang pagpapalakas at pag-unlad ng kakayahan ng mga itinalagang City Safety Officers 1 mula sa iba’t ibang departamento upang mas magampanan nila ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang safety officers ng ating Lungsod.
Tinalakay sa pagsasanay ang inspeksyon at hazard analysis, kasama na rin ang paghahanda ng Hazard Identification, Risk Analysis, at Control Measure. Ang mga ito ay mahalagang hakbang para sa kaligtasan ng ating mga mamamayan at kapaligiran.
Kasabay ng pagdalo, nagbigay ng mensahe sina SO3 Karl Rebosura, SO2 Jonathan Blando at SO2 Noli Galvez sa mahigit kumulang 45 Safety Officers 1 (SO1) na dumalo sa pagsasanay.
Patuloy na Pag-unlad ng Kakayahan at Skills ng mga Safety Officers ng Bacoor City!
We Strike As One!
Dito Sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.