Oktubre 2, 2024, ginanap ang pagpupulong ng Pederesyon ng Magulang at Guro (PTA) at Tanggapan ng Kalusugan ng Lungsod ng Bacoor para pag usapan ang programa sa pagbabakuna ng mga kabataan na nag-aaral sa elementarya.
Sa pangunguna ni Dr. Ivy Marie Yrastorza ipinaliwanag nito ang programa sa bakuna na makakatulong sa mga kabataan. Isa rito ang MR-TD para sa mga grade 1 and 7 at HPV para sa grade 4. Ito ang unang hakbang na pagtutulungan ng Pederasyon ng PTA at Tanggapan ng Kalusugan (CHO).
Dumalo sa pagpupulong ang mga bagong halal ng Pederasyon ng MAGULANG AT GURO ( Federation PTA ) na sina PTA President Romgail M. Buezon, Vice President Lilibeth P. Tortona, Sec. Michael Hoey Mina, Treas Virginia Pascual, BOD Susan Garcia Ramirez, BOD Melanie J. Morales, BOD Leovina E. Manzon, BOD Miraluna Pacio, BOD Katrina S. Licono, Nurse Lei Javier, Nurse Abby Camagong, Nurse Kyle Pauline Angat.
Suportado naman ng tanggapan ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members ang programa ng PTA at CHO para makatulong sa mga kabataang Bacooreno.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.