Tuloy-tuloy pa rin ang pag BABAYANIHAN sa paggawa ng SPILL BOOMS ng ating mga  kasama sa Barangay SINBANALI, Covered Court.
Maraming salamat po sa mga volunteer na gumagawa ng Improvised Oil Spill Booms mula sa Fisherfolk’s ng Bacoor City, Bantay Dagat, members ng City Fisheries and Aquatic Resources Management Council at Philippine Coast Guard – Bacoor.
Mga Bacooreño, kailangan po ng ating mahal na lungsod ang tulong ng bawat isa NGAYON. Kaya naman,
Plastic Bottles mong DONASYON,
Gawin nating SOLUSYON.
Ang mga donasyong used plastic bottled ay maaaring dalhin sa bahay ni Mr. Allan Chua sa Brgy. SINBANALI, sa tanggapan ng OAS, o kaya ay sa inyong mga BARANGAY.
Maraming Salamat po sa lahat ng mga tumulong at nag donate. Ang pag BAYANIHAN ay likas at BUHAY NA BUHAY sa ating mga Bacooreño.