Sa patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Bacooreño, nagtungo si Mayor Strike B. Revilla sa isang hemodialysis center sa Barangay 288 Manila noong ika-15 ng Agosto, 2024. Ang pagbisita ay inorganisa ng Hope in Me Club sa pangunguna ni Doc Cristina Alberto.
Kasama ni Mayor Revilla sina Hon. Jefferson Lau, chairman ng Manila China Town, at Ms. Merlie Tan, director ng Jose Abad Santos Hospital. Layunin ng pagbisita na makakuha ng mga kaalaman at ideya kung paano maitatag ang isang katulad na pasilidad sa Bacoor.
Ang inspirasyon para sa pagbisita ay nagmula sa mga paulit-ulit na kahilingan ng mga Bacooreñong may sakit sa bato na nangangailangan ng financial at medical assistance. Sa lingguhang pamamahagi ng financial assistance ng lokal na pamahalaan, marami ang humingi ng tulong para sa kanilang dialysis treatment.
Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga pinakamahusay na kasanayan ng iba pang mga dialysis center, inaasahang makakapagbigay ng mas mahusay na serbisyo ang LGU ng Bacoor sa mga nangangailangan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.