Alinsunod sa anunsyo na inilabas ng DILG kung saan pinayagan na ang mga LGU na ipatupad ang kanilang mga batas trapiko.
Ang Lungsod ng Bacoor ay may ordinansa para mangumpiska ng lisensya ng mga lumalabag sa batas trapiko.
Ang Ordinance No. 11-2019, Section 23 kung saan ang mga traffic enforcers ng Lungsod ng Bacoor ay may kapangyarihan na kunin o kumpiskahin ang lisensya ng sinumang motoristang lalabag sa batas trapiko.
Malinaw na sa inilabas na memorandum ng DILG na maaring mangumpiska ang lokal na pamahalaan ng lungsod na mayroong ordinansang ipinapatupad. Dahil dito, ang isang lungsod ay may kapangyarihang ipatupad ang ordinansa.