Leptospirosis ay isang seryosong sakit na maaaring makuha sa kontaminadong tubig o lupa. Sa mga panahon ng tag-ulan at pagbaha, mahalagang maging maingat at sundin ang mga sumusunod na hakbang upang maiwasan ang sakit na ito:
1. Maglinis: Panatilihing malinis ang kapaligiran. Itapon ng maayos ang basura at iwasan ang pag-ipon ng tubig sa paligid.
2. Magmasid: Tignan ang paligid para sa mga posibleng panganib na maaaring magdulot ng kontaminasyon.
3. Mag-ingat: Iwasan ang paglusong o paglangoy sa maruming tubig. Gumamit ng protective gear tulad ng bota at gloves kung kailangan magtrabaho sa tubig.
Ano ang Leptospirosis?
– Ang Leptospirosis ay dulot ng Leptospira bacteria na nakukuha mula sa ihi ng infected na hayop tulad ng daga, baka, baboy, at aso.
Paano naipapasa ang Leptospirosis?
– Pagkapasok ng kontaminadong tubig/ihi sa mga sugat o mucous membranes.
– Pag-inom ng kontaminadong tubig o pagkain.
– Paglusong sa maruming tubig habang may bukas na sugat.
Sintomas ng Leptospirosis:
– Lagnat
– Pananakit ng kalamnan ng guya
– Panginginig
– Pananakit ng ulo at katawan
– Pagtatae
– Pamamantal
– Paninilaw ng balat
– Pamumula ng mata
Iwasan ang W.I.L.D. (Water, Infected animals, Leptospira bacteria, Dirty environment)
Para sa inyong kaligtasan, siguraduhing agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility kung may nararanasang sintomas. Sa Bagong Bacoor, Bawat Buhay Mahalaga!
Ingat po tayo, mga kababayan!
Please check the attached infographics for more details and share this information with your loved ones.