Maagang kumilos ang mga kawani ng Office of the Agricultural Services-Bacoor kasama ang mga kawani ng Department of Agriculture- Agribusiness and Marketing Assistance Division(DA-AMAD) upang tugunan ang isang reklamo ukol sa diumano pagiging overpriced ng presyo ng Mangga sa pangunahing pamilihan.
Ang pag-iikot na isinagawa upang bantayan ang presyo ay isinasagawa ng regular ng OAS kasama ang National Government Departments upang siguraduhing abot-kaya ang presyo ng bilihin at ito ay pasok sa itinakda ng batas.
Lumalabas na ang presyo ng Mangga sa Pamilihan ng Bacoor ay labis na apektado ng supply chain sa merkado na pinag aangkatan. Malalayong probinsya gaya ng sa Davao ang ilan sa pangunahing pinanggagalingan.