Noongh September 29, 2023, ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni Atty. Venus De Castro ay nagsagawa ng Senior Olympics sa Bulwagan ng mga Barangay bilang pakikiisa sa ika-352 taong Anibersaryo ng Bacoor. Dinaluhan ito ng 210 senior citizens na lalahok rin sa mga palaro.
Hindi naman pinalampas ni Mayor Strike B. Revilla ang Senior Olympics kaya nagbigay ito ng mensahe at anunsyo na maaring makatulong sa mga senior citizen ng Bacoor, isa na rito ang “Libreng Sine” na maaring mapakinabangan ng mga senior citizen at Pwd. Binanggit rin ni Mayor ang “Libreng Sakay” na ngayong araw ay aarangkada na para sa mga Bacooreño.
Maraming plano ang Ama ng Lungsod ng Bacoor na si Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, kaya naman patuloy ang programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod para sa tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.