Noong November 14, 2023, isinagawa ng Department of Interior and Local Government City of Bacoor, sa pangunguna ni Mr. Reginaldo S. Revilla, CLGOO, ang Orientation at Elections para sa ating mga Sangguiang Kabataan Federation 2023 na ginanap sa Revilla Hall.
Nahati ang programa sa dalawang parte. Sa umpisa ay tinalakay ni Mr. Reginaldo ang kahalagahan at proseso ng eleksyon at ang duties and responsibilities ng pagiging parte sa Sangguniang Kabataan Federation Officers sa 47 SK Chairpersons na dumalo.
Pagtapos ay agad naman itong sinundan sa pagpili ng mga nominado para sa SK Federation Candidates kung saan ang bawat kandidato ay nagkaroon lamang ng limang minuto upang magbigay ng kanilang talumpati upang ipakilala ang kanilang sarili at talakayin ang kanilang mga plataporma na maaring magbigay tulong sa kanilang mga kapwa kabataan at sa ating Lungsod.
Taos puso namang binabati ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang mga bagong halal na opisyalels ng 2023 Panlungsod na Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan na sina:
President: PALM ANGEL S. BUNCIO (Molino 4)
Vice President FEBIE JANE E. TUPA (Panapaan 3)
Secretary TRICIA MAE F. MARALIT (Molino 6)
Treasurer CRISTINE G. GENOVITA (Zapote 1)
PRO: JOHN PETER D. CIRINEO (Queensrow Central)
Sgt. At Arms: GODWYN SAMUEL L. PROFETANA (Ligas 1)
Auditor: JUANISE RAINIEL I. IGNACIO (Simbanali)
Pinangunahan ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales at kanya ring ipinakita ang kanyang tuwa at galak sa naging resulta ng halalan.
Ipinadama rin nina Hon. Karen Evaristo, Angie Cariaso – OIC, Local Youth Development Office, Ms. Lysa Blancaflor – OIC, City Information Office, PLTCOL John Paolo Carracedo – Chief of Police, Dr. Babylyn Pambid – Superintendent School Division (DEPED), Atty, Edith Napalan – City Treasury Office, Atty. Khalid Atega Jr., at ni Atty. Jastine Dela Cruz – COMELEC ang kanilang suporta.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.