Mas pinalawig na ang period ng online filing ng Aplikasyon para sa Reactivation, hanggang sa September 25, 2024 mula sa orihinal na deadline na September 7, 2024.
Kung ikaw ay dati nang REHISTRADONG BOTANTE subalit DEACTIVATED ang iyong registration status, maaari kang mag-file online ng aplikasyon upang MAGPA-REACTIVATE.
At kung ikaw naman ay SENIOR CITIZEN o PERSON WITH DISABILITY (PWD), maaari kang mag-file online ng aplikasyon para sa REACTIVATION WITH UPDATING OF RECORDS.
Mag-email sa Office of the Election Officer (OEO) saiyong lokalidad. I-scan ang QR code para sa listahan ng emails ng mga OEO sa buong bansa.