On the occasion of Father’s Day, Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla shares lessons she learned from her father that Bacoorenos can adopt not only in their personal lives, but in their work lives as well at this morning’s flag raising ceremony.
She says, “Naaalala ko ang aking Papa. Marami akong natutunan sa kanya. Halimbawa, natutunan ko sa kanya that I should strive to always be an asset, not a liability. Marami kasi sa anumang organisasyon, pribadong kumpanya man o pampublikong tanggapan, more of a liability than an asset. Halimbawa, tamad ka at hindi seryoso sa trabaho, liability ka. Mahilig ka sa tsismis at intriga, liability ka. Selfish ka at sariling ambisyon mo lang ang importante at hindi ang kapakanan ng higit na nakararami, liability ka. Marami pa yan. Magandang pagnilayan yan. Asset ka ba o liability?”
“Pangalawang natutunan ko sa Papa ko, yung maging adjustable to every situation; hindi yung ang ipipilit ay yung situation ang um-adjust sa iyong personal agenda, sa iyong ulterior motive. In other words, kailangang maging member of the team, mataas man o mababa ang katungkulang nakaatang sa iyo. Maraming mga programa at proyekto na nagkakaproblema o nababalam dahil sa may mga ayaw um-adjust sa situation at ang isinusulong nang palihim ay ang sariling interes. Again, magandang pagnilayan. Adjustable person ka ba?”
“Isa pang mahalagang life lesson na kay Papa ko natutunan ay yung isip dapat ang sinusunod at pinapangyari at hindi ang puso. Meron kasing mga taong masyadong emosyonal sa pag-react at pag-respond sa mga pangyayari. Merong hindi lang emotional, hysterical pa. Ang sabi, madalas na babae raw ang ganito. Pero marami akong kilalang mga lalaki, sobrang emosyonal at hysterical din. Mabuti pa nga kung minsan ang mga babae dahil open ng pagiging emosyonal; ang mga lalaki, madalas na pailalim – akala mo, okay lang pero masyado palang maramdamin, matampuhin, nagkikimkim ng sama ng loob, at pati ang direksyon ng trabaho ay apektado. Pagnilayan din natin ito. Ano ang sinusunod at pinapangyari mo sa iyong reaction and response sa mga bagay-bagay – ang iyong isip o ang iyong puso?”
“Pang-apat na natutunan ko sa Papa ko ay ang walang kapantay na importansya ng pamilya. Friends may abandon you but not family. Ang pag-iwan sa iyo ng kaibigan sa oras ng krisis ay masakit pero madaling kayanin sa paglipas ng panahon; pero kapag ang gustong tumiwalag sa iyo ay ang iyong kapamilya, walang kapantay ang kirot na naidudulot sa puso. Lagi nating isaisip at isapuso ito. Sa mga choices and decisions natin sa buhay, family is very important. Dahil saan ka man dalhin ng iyong pangarap, sa pamilya pa rin ang bagsak mo sa dulo.”
“Ang itinuturing ko pinakamahalagang aral sa buhay na ibinigay ng Papa ko, na isang military man, ay ang maging matapang, huwag panghihinaan ng loob in situations you are most needed to be strong. Dito ko nakuha ang aking pagiging malakas, matatag at matibay sa harap ng iba’t ibang hamon at problema sa buhay. Totoo yung kasabihang, “You’ll never know how strong you are until being strong is the only choice you have.” Muli, mainam na pagtuunan ng panahon ang bagay na ito. Ikaw ba ay matapang o nagtatapang-tapangan lang at kapag may krisis ay parang batang nagwawala o nagta-tantrum? O ikaw ba ay tunay na matapang na lalo pang pinatatapang ng mga krisis sa buhay?”