The turnover of Oil Filter (Polypropylene Fibers – Oil Absorbent Sheets) para sa mga Fisherfolks ng Bacoor ay matagumpay na naganap sa Sitio Sineguelasan Covered Court Agosto 9, 2024.
Pinangunahan ng Agimat Partylist sa pamumuno nina Cong. Bryan Revilla at Ms. Samantha Panlilio – Binibining Pilipinas Grand International 2021 & Miss Universe Cavite top 10 2023 kasama ang City Government ng Bacoor sa pamamagitan ng Office of Agricultural Services – Bacoor sa ilalim ni Mr. Allan Chua, ang pagtitipon ay suportado ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla at mahal na Congresswoman Lani Mercado Revilla.
Tinanggap ng mga Fisherfolks ng Bacoor ang donasyon ng Oil Filter na gagamitin sa Oil Spill Booms upang pigilan ang pagpasok ng langis sa Bacoor Bay. Layunin ng programa na protektahan ang ating mga Mangrove Forest at mga baybayin mula sa epekto ng Oil spills.
Ipinakita ng event ang pagkakaisa at pagmamalasakit ng pamahalaan at mga organisasyon sa pangangalaga ng kalikasan at likas-yaman ng ating komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.