Noong September 12, 2023, nagsagawa ng makabuluhang Flag Raising Ceremony ang Lungsod ng Bacoor na ginanap sa Strike Gymnasium. Ito ay pinangunahan ni Atty. Venus De Castro head ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) kasama pa ang mga bumubuo nito.
Isang karangalan na magkaroon ng guest speaker sa pangunguna ni Hon. Reymar R. Mansilungan Commissioner ng National Commission of Senior Citizens (NCSC). Sa kanyang talumpati, ipinahayag nito ang Iba’t ibang talakayin para sa ating mga Senior Citizens.
Nagbigay ng magandang balita si Hon. Strike B. Revilla ang ating Amang Panglungsod na kinatawan ni Hon. Rowena Bautista Mendiola ang mensahe ay sinimulan sa pagbati ng belated Grandparents Day para sa ating mga minamahal na Lolo at Lola. Ibinahagi rin ang Iba’t ibang programa gaya ng mga sumusunod:
– Medical Assistance, libreng Gamot at Check up, acupuncture, libreng flu at pneumonia vaccine, legal assistance at libreng wheelchair at cane para sa ating mga Senior Citizens.
– Ang mga Senior Citizens na may edad na 100 years old pataas ay makakatanggap ng 100 thousand pesos mula sa National Government, 50 thousand pesos mula sa Provincial Government at 20 thousand pesos mula sa LGU. Libre rin ang sine para sa ating mga Senior Citizens.
– Kalinga para sa PWD tulad ng Medical Mission, medical at financial assistance, libreng wheelchair at tungkod.
Nabanggit rin ang mga programa noong nakaraang linggo tulad ng mga sumusunod:
-Pamamahagi ng Bags at School Supplies sa iba’t ibang paaralan sa Bacoor
-Pagdiriwang ng National Teachers Month.
-Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
-Declogging Operation, Mega Job Fair Caravan at Happy Birthday Mother Mary Mass
Naihayag rin ang mga dapat abangan na aktibidad tulad ng mga sumusunod:
-International Coastal Clean up
-Launch of Solidarity Root and Special Bacoor Resident Card
-Musiko 2023: The Grandest Marching Arts Competition in the Philippines
Patuloy parin ang mga serbisyo, programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod upang makatulong pang lalo sa mga BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.