Isinagawa noong July 17, 2023 ang isang masiglang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng Community Environment and Natural Resource Office o CENRO sa pamumuno ni Mr. Rolando Vocalan na ginanap sa Strike Gymnasium.
Ito ay dinaluhan ng mga kilalang kawani ng City Bacoor Government na sina Hon. Strike B. Revilla (City Mayor), Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at ang mga Sangguniang Panlungsod. Isa sa nag bigay ng mensahe ay si Undersecretary for Local Government, Usec. Marlo L. Iringan, CESO III ng Department of the Interior and Local Government. Ikinagagalak ni Usec. Marlo Iringan ang mga empleyado at opisyales sa mga nagawang trabaho para sa Bacooreño.
Nagbigay ng mensahe at pag-kumusta sa mga empleyado at barangay officials ang ating alkalde na si Hon. Strike B. Revilla. Kasama rin sa kanyang mensahe ang mga balik-tanaw na pangyayari o kaganapan noong nakaraang linggo:
1. New Zealand Ambassador Mr. Peter Kell sa pag bukas ng Karate para sa mga kabataan.
2. Signing ng Multilateral Agreement on Curfew for Minors.
3. Signing ng Memorandum of Agreement Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at Pag-Ibig Fund ukol sa Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino o (4PH) Program.
4. MOA Signing para sa LGU BACOOR-UPHSD Scholarship Program.
5. Usufruct Signing kasama ang City Government at Industrial Technology Development Institute.
6. Ang pagbati sa panibagong opisyales ng mga sumusunod:
a. Junkshop Association ng Bacoor
b. Bacoor Historical Society
c. ISF (Informal Settler Families) Associations ng Bacoor
d. Senior Citizens Association
e. PWD Association
7. Ang pagbati sa Bacoor City Strikers dahil sa pangunguna sa South Division ng Current season ng MPBL.
Kasama sa mga dumalo ng Flag Raising Ceremony ay ang mga NGOs, Department Heads, Unit Heads at ang mga Liga ng Barangay.
Rain or Shine, patuloy parin sa paglilingkod!
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.