Noong October 4, 2023, sama-samang ipinagdiwang ng mga guro ang National Teacher’s Day sa Bacoor Gymnasium, Bacoor Government Center (BGC). Tinatayang aabot sa 2,362 ang mga guro sa Elementary, Junior High School at Senior High School ang nakisaya sa selebrasyon para bigyang halaga ang kontribusyon ng bawat guro sa ating bansa.
Isa sa pinahahalagaan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ang kapakanan ng bawat guro sa Lungsod ng Bacoor, kaya naman ang patuloy na mga proyekto sa mga pagawaing paaaralan ay patuloy na tinututukan ni Mayor Strike, para maging kumportable ang mga guro sa kanilang pagtuturo.
Sa mensahe naman ng Ina ng Lungsod Cong. Lani M. Revilla binigyan diin nito na bilang Nanay ng mga Bacooreño hangad niyang maging dekalidad ang mga pasilidad para maging tugon sa sektor ng edukasyon upang ang mga kabataang Bacooreño ay makapag tapos ng pag-aaral at matupad ang kanilang mga pangarap. Sinabi rin ni Cong. Lani M. Revilla ang mga batas na kanyang nagawa at naipasa na ngayon ay napapakinabangan na ng mga Bacooreño.
Dumalo sa selebrasyon ang buong pamunuan ng DepEd Bacoor sa pangunguna ni Ma’am Babylyn M. Pambid – OIC Office of the school Div. Superintendent, Ma’am Venus T. Balmedina – OIC Office of the Assistant School Division Superintdent, Ma’am Loida L. Nidea – OIC Office of the Assistant Regional Director DepEd Region 4A Calabarzon, Sir. Gerry L. Rivas – SocMed Influencer/Master Teacher 1, Atty. Alberto T. Escobarte – Ceso II, Regional Director, DepEd Regional 4A, Calabarzon, City Councilor Alde Pagulayan at Coun. Karen S. Evaristo.
Nagpahatid naman si Vice Mayor Rowena B. Mendiola ng kanyang pagbati sa lahat ng guro at nagpasalamat sa kanilang sakripisyo para hubugin ang kabataan para matupad ang kanilang mga pangarap.
Sa Huli, sinigurado ni Mayor Strike B. Revilla na tutulong ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para matugunan ang mga pangangailangan ng mga paaralan at maibigay ang pangangailangan ng mga batang Bacooreño pag dating sa kanilang pag-aaral.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.