Malugod na pagbati sa ating mga masisigasig na lingkod-bayan at sa mga magigiting na tauhan ng BJMP sa ating pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week  noong November 5, 2024. Sa temang Makataong Pakikitungo, Matinong Pamumuno at Matatag na Prinsipyo Tungo sa Maunlad na Serbisyong Pampiitan, ito ay paalala na patuloy nating pangalagaan ang karapatang pantao at ang rehabilitasyon ng ating mga PDLs (Persons Deprived of Liberty).
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ng inyong lingkod bilang Vice Mayor, ay kaisa sa inyong layunin na magkaroon ng mas makatarungan at makataong sistema sa ating mga piitan. Magsilbi sana itong inspirasyon upang patuloy nating pagbutihin ang mga programa para sa ikabubuti ng ating mga PDLs at ng buong komunidad. Bilang patunay nito, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod noong June 24, 2024 ang City Ordinance No. 384-2024 na nagpapahintulot sa pagtatatag ng health clinic sa male at female dormitories ng Bacoor City Jail bilang pagsusulong sa karapatan ng bawat Pilipino pati na ang mga PDLs na magkaroon ng access sa quality health care.
Mabuhay ang lahat ng lingkod ng BJMP at ang bawat isa na naririto ngayon! Maraming salamat sa inyong dedikasyon at serbisyo!