Kung kasama ang inyong barangay, magpa-schedule na ng septic tank cleaning. Heto ang mga dapat malaman:
1) Dapat ay hindi pa nalilinis ng Maynilad ang inyong septic tank sa loob ng limang (5) taon.
2) Para sa customers na kasama sa mga lugar na dadaanan ng aming desludging team, i-fill out ang form na ito at hintayin ang aming tawag para sa kumpirmasyon ng inyong schedule: https://forms.office.com/r/BVbq5wKMiU
3) Mahigpit na susundin ng Maynilad ang schedule ng mga barangay kada buwan.
Maaari din i-PM ang inyong Account Name, Contract Account Number, Address, at Mobile Number, makipag-coordinate sa inyong barangay o sa Maynilad Zone Specialist na naka-assign sa inyong area, o tumawag sa aming Hotline 1626 (Metro Manila) at 1800-1000-92837 (Cavite) para maproseso ang inyong desludging request.
Kasama ang serbisyong ito sa binabayaran sa Maynilad. Huwag sayangin ang pagkakataon!