Nagturnover ang pamahalaang lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Lani Mercado Revilla ng iba’t ibang service vehicles at equipment para mas maging epektibo ang iba’t ibang tanggapang nakatuon sa peace and order at safety na gampanan ang kanilang mga tungkulin.
Kabilang na dito ang manlift para sa Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office; SWAT truck, 6 patrol motorcycles, at handheld radios para sa Philippine National Police; 2 patrol motorcycles, personal protective gears, at handheld radios para sa Bureau of Fire Protection; Prisoners truck, 2 patrol motorcycles, handheld radios, long firearms para sa Bureau of Jail Management and Penology.