Nagpirmahan na ng kasunduan ang City Government of Bacoor at foodpanda.ph kung saan ang pangunahing layunin ng proyekto ay mabigyan ng dagdag na pagkakakitaan ang mga tricycle drivers sa Lungsod ng Bacoor. Sa pagko-convert ng kanilang mga tricycle to delivery motorcycles, mas madaragdagan ang kanilang kikitain sa araw-araw kumpara sa kanilang limitadong pagbiyahe sa tricycle sa panahon ngayon. Ang programang ito ay pinangunahan ng Public Employment Service Office ng Bacoor sa pamumuno ni Doc Bob de Castro sa pakikipagtulungan sa mga grupo ng TODA ng Lungsod ng Bacoor at sa BTMD. Tinatayang 150 tricycle drivers na higit na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagsasailalim sa ECQ ng lungsod ang magbebenipisyo at mabibigyan ng alternatibong livelihood sa pamamagitan ng pagdedeliver sa ilalim ng foodpanda.ph. Pinangunahan nina Mayor Lani Mercado Revilla at foodpanda.ph Managing Director Daniel Marogy ang pirmahan ng kasunduan. Ang Bacoor ang kauna-unahang lungsod sa buong Calabarzon na pumasok sa ganitong kasunduan sa isang private sector na delivery service.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani