Nagpahayag ng pasalamat si Mayor Lani Mercado Revilla sa pagtanggap ng Lungsod ng Bacoor ng 30 two-meter length concrete barriers mula sa Cavitex Infrastructure Corporation. Ang mga ito’y makakatulong sa pamamahala ng vehicular traffic sa Lungsod ng Bacoor. Kabilang sa signatories sa Deed of Donation sina Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla at Cavitex Infrastructure Corporation President and General Manager Roberto Bontia, kasama sina Vice Mayor Catherine Evaristo, BTMD Chief Gerry del Rosario, Philippine Reclamation Authority Assistant General Manager for Estates and Marketing Arminda Alaras, at Cavitex Infrastructure Corporation Assistant Vice President Ella Francisco bilang mga saksi.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani