Nag enjoy ang lahat ng mga batang pumunta sa kauna- unahang pagkakaroon ng “Bacoor At Home Ka Dito Theme Park” sa mismong City Hall Grounds ng Bacoor.
Si Mayor Strike B. Revilla, kasama ang kanyang very cute na anak na si Chayle, mga city councilors, department, at unit heads ang opisyal na nagbukas ng theme park sa pamamagitan ng pagkakaroon ng parade sa buong grounds na pinangunahan ng dalawa sa magagaling na marching bands sa lungsod, ang Maliksi Uno Band at Banda 96.
Very festive ang mood ng aktibidad dahil may mga banda, kids, at parents na naka-Christmas costumes at may lantern parade pa: mistulang parada talaga na ginawagawa sa mga theme parks.
Bukod diyan, may mga food booths din na may cotton candy, ice cream, squid balls, at marami pang iba na ikinagalak ng mga bata at pati na rin ng mga magulang.
Marami ding game booths at inflatable rides kung saan enjoy na enjoy na naglaro ang mga batang Bacooreño kabilang na si Baby Chayle.
May magic show, sa pangunguna ni Ian Koy the “wacky magician”, bubble
show by Allan Ace T. at nagperform din ang world renowned ventriloquist na si WANLU at special appearance ni Ronald McDonald.
Tumugtog
din ng Christmas Carols ang Strike Unity band, na naging hudyat ng simula ng programa para sa Christmas Tree Lighting.
Nakisaya din ang P-Pop Group na “G22” at Showtime Tawag ng Tanghalan Champion Elaine Duran pati ang The Voice Kids Bacoor: Kurt Urayan, Justin Arceo, at Jean Posadas na siyang nagsilbing opening production number ng Christmas Tree Lighting Ceremony.
Nakibahagi din sa Christmas Tree Lighting Ceremony ang mga City Officals na pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, kasama din sila Congw. Lani Mercado Revilla at Cong. Bryan Revilla.
Nakakamangha ang mailaw at makulay na Christmas Tree at iba pang pailaw ng mga Christmas decorations sa buong City Hall.
Nakadagdag ningning pa dito ang napakagandang fireworks display.
Ang highlight ng aktibidad ay ang pagbibigay ng aginaldo ni Mayor Strike B. Revilla at Christmas socks full of candies and goodies sa mahigit isang libong batang Bacooreño, kung saan naging assistant ni Mayor Strike sa gift distribution ang kanyang lovable daughter na si Chayle.
Siyempre may pa-raffle
din na ikinatuwa naman ng mga magulang ng mga chikiting!
Nabuo ang event na ito sa pagsasanib pwersa ng lahat ng mga kawani mula sa lahat ng departamento at ahensiya ng City Government of Bacoor, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni Ma’am Lilianne Ugalde.
Talagang isang napakasaya na aktibidad ito na buong pusong handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revila, bilang isang maaga, masaya at makahulugang pagsalubong sa darating na kapaskuhan.
Talagang napa
“Thank you, thank you ang babait ninyo” ang lahat ng dumalo.