Gamit ang bakunang Astra Zeneca ay nabakunahan na ang mga nurse, doctor at iba pang medical personnel mula sa St. Dominic Medical Center, Metrosouth Medical Center, Bacoor Doctors Medical Center, Southeast Asian Medical Center, South City Hospital and Medical Center, Molino Doctors Hospital, at Crisostomo General Hospital.
Magpapatuloy ang pagbabakuna sa health care workers ng lungsod hanggang Biyernes. Ang pagbabakuna ay ginanap sa bagong bukas na Bacoor City Mega Vaccination Hub sa Bacoor Coliseum sa Molino III.
Ayon kay Mayor Lani Mercado Revilla, “Lubos ang aking kasiyahang malaman na ang ating mga frontliners ay nabakunahan na. Sila itong araw-araw na direktang sumasagupa sa Covid-19 kaya marapat lamang na bigyan natin sila ng kahalagahan at proteksyon. Sisikapin nating matapos na mabakunahan ang ating mga medical practitioners para sa mga susunod na linggo ay makapag-umpisa na tayong makapagbakuna sa ating mga senior citizens.”
#BacoorYesSaBakuna