Tuloy-tuloy pa rin ang proyekto ng Unang Ginang ng Barangay (UGNAY) na MWELL TELE CONSULTANT para sa mga Bacooreño na ginanap sa Habay 1 and 2, ngayong araw.
Ang proyektong ito ay patuloy na nagbibigay ng libreng Consultation, Health Check-Up, Health Education at Medicines.
Nasa higit 145 participants ang nakatanggap ng mga libreng serbisyo. Kaya ang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola kaagapay si Ms.Lilian Ugalde ng CSWD, taos pusong nagpapasalamat kay Ms. Chaye Cabal Revilla at ang bumubuo ng MWELL sa pagiging kaisa at patuloy sa pagbigay ng tulong sa mamamayanang Bacooreño.
Samantala, dinaluhan naman ito ni Kap. Ramon “Monching” Bautista, Maria Lourdes Fajardo – Executive Director, UGNAY, Ms. Loraine C. Macapagal – Head of Operations, Ms. Rose Regolacion – CSWD Nutrition Staff at mga JCI Manila Staff. Katuwang din sa proyekto na ito ang Philippine Community Channels Solution Corporation, UNILAB, JCI MANILA, TGP PHARMACY, GO BIG AT SMART.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.