Suportado ni Mayor Strike B. Revilla ang inilungsad na MWELL unboxing smart watches, rings na makakatulong para sa bisyon ng isang malusog at magandang kinabukasan.
Ang digital healthcare ng Metro Pacific Investments Corp. ( MPIC ) ay naglalabas ng mga makabagong teknolohiya, gadget na makakatulong para masuri o ma monitor ang kalusugan ng tao. Sa programa ng MWELL sa pangunguna ni CEO President Chaye Cabal-Revilla target nitong makatulong sa mga manggagawa na ang tanging susi para sa tagumpay, ay ang malusog na pangangatawan. Sa pamamagitan ng makabagong gadget na ito, magkakaroon ng balanse sa iyong emosyonal para mabawasan ang stress at ibang nararamdaman ng ating katawan.
Congratulations Ma’am Chaye Cabal-Revilla sa matagumpay na programa/proyekto na makakatulong hindi lang sa mga pribadong manggagawa pati narin sa mga kawaning nais pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay suportado ang MWELL na nagbibigay ng serbisyong medical sa mga Bacooreño.