Muling nagtanim ng mga bakawan sa Sitio Dulong Pulo, Barangay Sineguelasan kahapon ang mga kasapi ng Bacoor City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC) kasama ang mga miyembro ng Bantay Dagat. Layon ng pagtatanim na ito ang patuloy pang mapuno at mapaunlad ang established mangrove area ng lungsod ng Bacoor. Pagkatapos ng pagtanim ng bakawan, nagsagawa ang grupo ng coastal clean-up na regular na isinasagawa kada buwan.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani