Isang makabuluhang programa na may layuning isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at palakasin ang papel ng mga kalalakihan sa kanilang pamilya at lipunan ang idinaos sa BJMP Bacoor City Jail ngayong araw, June 19, 2024.
Ang programa na ito ay tinawag na MR. GAD – KATROPA (Men’s Responsibility on Gender and Development – Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya) ay inorganisa ng Office of the Population and Development sa pangunguna ni Ms. Emilie de Castro, Department Head.
Kabilang sa mga dumalo sina Vice Mayor Rowena B. Mendiola at Konsehal Alde Pagulayan na parehong nagpahayag ng kanilang suporta sa layunin ng programa. Dumalo rin si JSUPT Christopher Penilla ng BJMP Bacoor City Jail Male Dormitory at JCINSP Joy Anne C. Pascual, City Jail Warden ng Bacoor City Jail Female Dormitory.
Bukod dito, naroon din ang mga tagapagsalita mula sa Office of the Provincial Population Officer na sina Mr. Ariel G. Jarin, Mr. Paul Mark M. Feranil, at Nilo C. Bucao. Sila ay nagbahagi ng mahahalagang impormasyon at kaalaman upang higit pang mapalalim ang pag-unawa ng mga kalahok tungkol sa responsibilidad at obligasyon ng kalalakihan sa pamilya at lipunan.
Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla at ng City Government of Bacoor, nais nilang mahimok ang mga kalalakihan na buong-pusong yakapin ang kanilang mga responsibilidad at obligasyon upang makagawa ng makabuluhan at positibong kontribusyon sa ating mahal na bayan ng Bacoor.