December 21, 2024 – Ang pagpapahalaga at pagmamahal ni Mayor Strike B. Revilla sa mga Batang Bacooreño ay talaga namang inulan ng saya nang ipamalas ng ating mga kabataan ang kanilang galing at talento noong nakaraang Batang Bacooreño Night na pinangunahan ng Local Youth Development Office at BAO/BMIS.
Ibinida ng ating mga motorcycle enthusiasts ang kanilang maaangas at astig na motor set-up sa Thai-Inspired and Malaysian Culture Motor Show, kung saan nakasama natin ang bumubuo ng 17s Culture Zone Bacoor at Malaysian Culture Cavite.
Ipinakita naman ng Cavite State University – Bacoor Campus ang kanilang galing sa teatro, at nanalo bilang 1st Place sa ating Kabataan People’s Choice Award. Pinangalawahan ito ng Festival Dance mula sa St. Dominic College of Asia, at himig mula sa Koro Perpetual ng UPHSD – Molino Campus.
Masayang indakan at kantahan ang hinandog ng ating SK Federation kasabay ng ating napaka-gandang fireworks display. Hindi rin nagpahuli ang ating mga Caviteñong miyembro ng SBR-KKK sa Baktian.
Kasama din natin humataw sa gabing ito ang ating mga Zumba Ladies na pinangunahan ng BHOACI.
Nagpapasalamat po tayo kay Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, SP Members, Coun. Catherine Sarino-Evaristo at SK Palm Buncio, sa biyaya at suportang ibinigay sa ating mga kabataan.
Mabuhay ang kabataan! Mabuhay ang Batang Bacooreño.