Noong nakaraang Huwebes, Hunyo 13, 2024, nasa kabuuang 821 na residente mula sa Barangay Panapaan 6 ang nakatanggap libreng limang kilong bigas mula sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Ito ay bahagi ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang buong Team Revilla, na tugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
Ang pamamahagi na ito ay personal na dinaluhan ni Cong. Lani Mercado-Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at Barangay Capt. Ferdinand Barba kasama ang kanyang konseho.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.