ang Lalawigan ng Cavite kabilang na ang ating lungsod ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ simula ngayon, April 12 hanggang April 30, 2021.
Narito ang mga panuntunan na siyang ipapatupad sa ating lungsod.
MOVEMENT: Mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) lamang ang mga pinapayagan lumabas. Magpakita ng any valid ID tulad ng company ID na nagpapatunay na kayo ay isang APOR. Pwede din po lumabas para sa pag-access ng essential goods and services tulad ng pamamalengke, pagpapagamot basta may dalang quarantine pass.
CURFEW: 10PM to 4:30AM (Only APOR are exempted)
AGE RESTRICTIONS: Bawal lumabas 24/7 ang mga below 18 years old, above 65 years old, mga may comorbidities (may sakit), at mga buntis.
GOVERNMENT: Ang Bacoor Government Center ay bukas mula 8AM hanggang 3PM. Kung maari, gamitin ang online transactions dahilan sa ang pamahalaang lungsod ay magpapasatupad ng skeleton workforce.
MASS GATHERING: Mahigpit na ipinagbabawal ang LAHAT ng uri ng mass gathering.
SPORTS: Ipinagbabawal ang mga individual non-contact outdoor sports at iba pa.
EXERCISE: Allowed ang exercise mula 6AM hanggang 9AM sa vicinity ng inyong mga tahanan.
TRANSPORTATION: Ang lahat ng mga pampublikong transportasyon ay papayagan alinsunod sa DOTr, LTFRB at PTRB guidelines.
FOOD INDUSTRY: No indoor and outdoor dining allowed. Take-outs and deliveries are allowed.
QUARANTINE PASS: Patuloy ang pagpapatupad ng Quarantine Passes. Isang Quarantine Pass sa bawat bahay.
Tanging mga Bacoor Quarantine Passes lang ang maaaring makapasok sa mga groceries, supermarkets at palengke.
LIQUOR BAN: Ang pagbili at pagbebenta ng alak ay pinahihintulutan. Maari lamang uminom sa loob ng bahay.
CHECKPOINTS: Ang bawat Barangay ay magtatayo ng checkpoints para mahigpit na maipatupad ang mga panuntunan.
CLUSTERING SCHEME: Patuloy ang Clustering Scheme sa mga Barangay para sa mga pupunta sa groceries, supermarkets at palengke.
Sama-sama, tulong-tulong na PUKSAIN ang COVID-19!!! We HEAL as ONE. We will BEAT COVID-19 as ONE.
STAY HOME. STAY SAFE. SAVE LIVES.