Noong Hulyo 4, 2024, patuloy ang mga kawani ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA), sa pangunguna ni Atty. Venus De Castro, sa pakikipanayam sa mga indigent senior citizen sa Lungsod ng Bacoor. Layunin nito na makalap ang datos ng mga senior citizen upang matukoy kung sino-sino ang maaaring mabigyan ng benepisyo mula sa lokal at pambansang pamahalaan.
Ang OSCA, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay patuloy na magsasagawa ng mga interview para sa mga programa at proyektong makakatulong sa mga senior citizen ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.