Abril 5, 2024 – Isang pagdalaw ang naganap sa Office of The Mayor upang personal na makilala at suportahan ang mga iskolar ng University of Perpetual Health System DALTA (UPHSD) Caregiver Scholars na pinondohan ni Mayor Strike B. Revilla.
Ang nasabing pagdalaw ay inorganisa ng Bacoor City Livelihood Office na pinamumunuan ni Ms. Carmelita Gawaran. Nakasama ni Mayor Strike B. Revilla, ang 18 sa 25 na mga iskolar ng City Government of Bacoor na nasa ilalim ng City Livelihood Office.
Ang mga iskolar ay nasa ilalim ng scholarship ni Mayor Strike B. Revilla sa tulong nina Mr. Bennyl U. Ramos, Head ng Technical Vocational Education and Training sa UPHSD-Molino, at ni Ms. Michelle Peñaflor bilang Coordinator.
Ang 25 na mga iskolar ay kasalukuyang nagsusumikap sa pag-aaral ng kursong Caregiving NC II. Bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan bilang mga caregivers, nag-request sila ng karagdagang training sa Basic Life Support. Agad na inayos ito ni Mayor Strike upang mabilis na maumpisahan ang nasabing training.
Bukod sa Basic Life Support training, hinikayat rin ni Mayor Strike ang mga iskolar na sumailalim sa training sa Fire and Rescue Village. Sinabihan din sila na maging mga volunteers sa mga hindi inaasahang trahedya upang makatulong sa mga nangangailangan.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Strike B. Revilla sa Bacoor City Livelihood Office, UPHSD, at sa mga iskolar sa kanilang pagdalaw. Ang pagtitipon na ito ay nagpapakita ng patuloy na suporta at pagkilala ng pamahalaang lokal sa mga estudyante na nagnanais na maglingkod sa ating komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.