Noong May 29, 2024 binigyang pagkilala ang mga business owners na patuloy na sumusuporta sa Lungsod ng Bacoor. Isa sa kanilang agenda ang pagtalakay sa mga bagong batas at ordinansa na makakatulong sa stakeholders/Business owners. Isa rin sa tinalakay ang probisyon tungkol sa kompensasyon ng mga empleyado. Mayroon ding mga programa ang PESO, BPLO, LEDIPO na makakatulong sa mga stakeholders para mas maging maayos at maging maganda ang kanilang mga negosyo.
Dumalo at naging panauhing tagapagsalita si Engr. Carlo D. Merilos – Senior Labor Officer DOLE, tinalakay nito ang 1st Time Job Seeker Act, Anti-Age Discrimination Act, Employees Compensation Program.
Kinatawan naman ng Pamahalaang Lungsod sila Coun. Alde Pagulayan, SK Pres. SK Chairwoman Palm Buncio, Christian Gawaran – BPLO Head, Khei Sanchez – LEDIPO Head, Dr. Abraham De Castro – PESO Head, Atty. Paul Sanggalang.
Sa huli nagkaroon ng awarding sa mga Business Partners ng Public Employment Service Office (PESO) na patuloy na katuwang ng Pamahalaang Lungsod:
1. Generation One Resource and Multi Purpose Cooperative
2. Hi-Precision Diagnostics Center Inc.
3. Chinsu Philippines Co. Inc.
4. Extra Ordinaire Janitorial and Manpower Services Inc.
5. Metro Main Star Asia (SM Store Bacoor / Molino)
6. Ace Hardware Philippines Inc.
7. Sandford Marketing Corp. (Savemore)
8. Star Appliance Center (SM Appliance Center)
9. Super Shopping Market Inc. (Hypermarket Molino)
10. Super Value Inc. (SM Supermarket Bacoor)
11. Emilus (RFC Mall)
Sa huli, muling nagpasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa patuloy na pakikipag tulungan para mapabuti ang mga stakeholder/Business owners sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.