Umabot sa mahigit dalawang daang kabataang BacooreƱo ang nakagamit ng mga libreng serbisyo noong Marso 7, 2023 dahil naghandog ng Medical, Dental, at Optical Mission si Mayor Strike B. Revilla sa mga kabataang may edad 3-10 taong gulang.
Ang Medical Mission ay isinagawa upang makatulong sa mga kabataan na may sakit, malabo ang mata at mga magpapabunot ng may sirang ngipin.
Naglaan din ng Pagkain, Gamot, Vitamins, Laruan, at Giveaways ang mahal nating Mayor para maging masaya ang bawat bata.
Hindi lang si Mayor Strike B. Revilla ang dumalo, kasama rin sila Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Coun. Karen S. Evaristo, Brgy. Ronald Javier at ibang Brgy. Officials ng Barangay Molino 6.
Para sa kaligtasan at kaayusan ng mga Batang BacooreƱo, pinapa alalahan ni Mayor Strike B. Revilla na ang mga kabataan ay dapat nasa loob na ng bahay kapag sumapit na ang ika-sampu ng gabi hanggang ika-apat ng umaga.
Nagpasalamat naman si Mayor Strike sa HOPE IN ME CLUB sa pangunguna ni Dra. Tina Alberto, City Health Office sa pangunguna ni Dra. Ivy Yrastorza at sa lahat ng Doctors, Interns ng ating lungsod.
Dahil sa Bacoor at Home ka dito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.