Isa sa inabangan ng mga Bacooreño ang Medical and Dental mission na isinagawa sa Strike Gymnasium, Bacoor Government Center (BGC) sa pangunguna ng City Health Office at Arkansas, Lions Club International at Fraternal Order of Eagles.
Pinangunahan ni Dr. Ivy Marie Yrastorza ang pagtanggap ng mga bisita mula sa pangunahing sponsor na ARKANSAS, Lion Club sa pangunguna ni Pres. Engr. Arsenio J. Guinto Jr. PFMJF, Chairman/Founder Arkansas Medical Mission Inc. Nenita S. Secuban, Dr. Roselle B. Guinto, LPT – 3VP & SFK Region 3 Coordinator, Glenn Eusebio – President Bacoor Medallion Matikas Eagle Club Region-CCR8.
Ang Medical and Dental mission ay tatagal ng 4 na araw simula ngayon May 20, 2024 Hanggang May 24, 2024.
Nanggaling ang mga pasyenteng sa 12 Barangay Aniban 1 and 2, Maliksi 1 and 2, Ligas 1 and 2, Talaba 1,2,3, Zapote 1, 2, 3.
Dumalo rin ang Sangguniang Panlungsod Members na sila ring nagpasalamat sa mga sponsor para magkaroon ng Medical and Dental Mission sa Lungsod ng Bacoor.
Maaaring ma-avail ng mga Bacooreño ang Medical Consultation, Dental, Extraction, Reading Glasses, Cyst Removal, maging ang Haircut para sa mga kalalakihan.
Patuloy ang suportang ibinibigay ng Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla sa mga grupo/samahan na handang tumulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.