Dahil sa kagustuhan ni Mayor Strike B. Revilla, patuloy ang pag-ikot ng City Health Office na magsagawa ng Medical and Dental Mission sa mga Barangay sa Lungsod ng
Tinungo ng City Health Office sa pangunguna ni Dra. Ivy Marie G. Yrastorza, Dra. Mutya Malvis De Guzman, Dra. Roselyn Nator, Dr. Carlo Valera ang Barangay Talaba 2, para sa libreng Check-Up, Libreng Gamot, Libreng Pneumonia Vaccine at Libreng Dental para sa mga residente ng Talaba 2.
Nagsagawa rin ng Health Education at Family Planning para sa mga pamilyang naimbitahan para mabigyan ng tamang direksyon kung pano nila mapapaganda at maiaayos ang kanilang pamilya.
Nag house to house rin si Dra. Ivy para mapuntahan ang 4 na pamilya na kailangan ng tulong para masigurado ang kanilang kalusugan at mabigyan rin ng tamang pangangalaga ang may mga sakit.
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ay patuloy na tumututok at gumagawa ng mga programa para mapangalagaan ang kalusugan ng mga Bacooreño lalo na sa mga kabataan.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.