Sa pangunguna ng Mayor’s Office, isinagawa ang unang flag raising ceremony ngayong buwan ng Marso kasabay din ang pagdiriwang ng kaarawan ng ating mahal na Alkalde, Strike B. Revilla.
Nagpahayag ng pasasalamat ang ating butihing Mayor sa lahat ng mga kawani ng tanggapan ng Lungsod lalo na ang Mayor’s Office na handang maglingkod sa kahit anong araw. Kasama rin sa nasabing programa ang mga pinuno ng iba’t ibang departamento at yunit ng Lungsod, na pinangunahan ni City Administrator Atty. Aimee Torrefranca-Neri.
Ang buwan ng Marso ay isang napakahalagang panahon, hindi lamang dahil ito ang kaarawan ng ating mahal na Alkalde at ng kanyang ama na si Sen. Ramon Revilla, Sr., kundi pati na rin ang pagdiriwang ng International Women’s Month. Sa pagdiriwang na ito, nagpahayag ng pagbati ang ating butihing Mayor mula sa kanyang maybahay na si Mrs. Chaye Cabal Revilla, mga mahahalagang babae sa kaniyang buhay na sina Mommy Cena at Mommy Betty at sa lahat ng kababaihan. Nagsimula ang pagdiriwang ng Women’s Month noong nakaraang Sabado, sa kaarawan mismo ng Alkalde kung saan ipinagdiwang ang anibersaryo ng UGNAY (Unang Ginang ng Barangay). Ang nasabing pagdiriwang ay pinangunahan ni Mrs. Chaye Cabal Revilla na siyang maybahay ng Alkalde. Isang espesyal na okasyon na dinaluhan ng mga miyembro ng UGNAY, kasama na rin si Ms. Regine Tolentino. Isang awarding din ang naganap kung saan ipinamahagi ang mga sewing machine bilang tulong pangkabuhayan sa kanilang mga pamilya.
Kahapon naman March 4, 2024, araw ng Linggo, pinangunahan ng Strike Bacoor Parents’ Alliance at Hope in Me Club ang isang zumba sa loob ng city hall lobby bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month. Hinihikayat din ng ating mahal na Mayor Strike Revilla ang lahat na sumali sa Zumba na gaganapin sa susunod na Sabado, ika-9 ng Marso, sa Bacoor Oval Track and Field, Brgy. Sinbanali, sa pakikipagtulungan ng Provincial Council of Women.
Hindi rin nakaligtaan ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month, kung saan isinagawa ang isang city-wide motorcade sa pangunguna ng BFP-Bacoor, na sinamahan ng mga opisyal ng lungsod, mga barangay, fire volunteers, at iba pang sektor. Patuloy ang paalala ng ating Mayor Strike Revilla na mag-ingat upang maiwasan ang mga insidente ng sunog.
Isinagawa rin Barangay Day kamakailan sa STRIKE Gymnasium, namahagi ang mahal natin Mayor sa mga naglingkod noong 73 pa ang barangay ng mahal nating bayan. Kasama dito ang former and re-elected barangay captains at mga kagawad, secretaries at treasurers, SK chairpersons and their kagawads, Ex-O at barangay tanods
Napasalamat rin ang ating Mayor Strike Revilla sa kanyang kapatid na si Sen. Bong Revilla sa pagbibigay ng tulong through AICS, ilan sa mga nahandugan po nito ay mula sa mga barangay ng Real, Maliksi 1 and 2, Habay 1 and 2, Mambog 1-4, Aniban 1 and 2, Dulong Bayan, at Talaba 1, 2 and 3.
Ibinahagi rin ng ating 24/7 Mayor ang MOA Signing para sa Sisterhood Agreement ng bayang ng Bacoor at ng Municipal Government ng Tiaong, Quezon, sa pangunguna ni Mayor Vincent ‘RJ’ Mea layunin nito na magtulungan ang bawat LGU sa mas lalong pag-unlad ng komyunidad.
Pinasalamatan rin ng ating butihing Mayor ang mga sumnusunod:
1. Medical Mission sa Brgy. Poblacion kung saan nasa may 800 pasyente ang nahandugan ng libreng check-up at libreng gamot, sa tulong ng Mercury Drug.
2. Marching Band Parade along Evangelista Road na nilahukan ng 20 banda na tubong-Bacoor at binigyan ng tulong pinansiyal.
3. Kids’ Day kung saan sinurpresa ang ating mahal na Mayor ng mga studyante ng day care at nagbigay ng loot bags at pagkain.
4. St. Martin de Pores, Brgy. Panapaan 5, sa pangunguna ni Bishop Rey Evangelista nagkaroon ng espesyal na misa na dinaluhan ng atin mahal na Mayor.
At sa huli binaggit ng ating mahal na Mayor, Strike B. Revilla ang mga espesyal na programa na dapat abangan ng mga Bacooreño na inihanda ng ibat-ibang sektor ng lungsod. Kasama dito ang lunching ng PalengQR Code in partnership with Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gaganapin sa STRIKE Gymnasium, gayundin ang MOA signing para sa LTO-LGU Interconnectivity na kauna-unahang ipatutupad outside Metro Manila.
Patuloy ang pag-unlad ng lungsod ng Bacoor dahil sa pagtutulungan ng bawat isa at sa pangunguna ng ating masipag na Mayor, Strike B. Revilla.