Sa isang pulong kamakailan, tinalakay ni Mayor Strike B. Revilla ang mga diskusyon kasama ang Smart Save Solar Ventures Corp., tungkol sa pangangasiwa ng basura sa ating Lungsod.
I-prinisenta nila ang isang proposal para sa proyektong pangtratamento ng basura na maaaring magdulot ng pangmatagalang solusyon sa suliraning ito.
Layunin ng proyektong ito na itayo ang isang komprehensibong sistema ng pangangalaga sa kalikasan na sakop ang iba’t ibang aspeto tulad ng emisyon ng hangin, dumi ng tubig, ingay, lupa, at groundwater. Sa pamamagitan ng awtomatikong online na pagsubaybay at manuwal na pagmamanman, maaaring masiguro ang maayos at epektibong pangangasiwa ng basura.
Ayon kay Mayor Strike B. Revilla, mahalagang hakbang ang proyektong ito tungo sa mas malinis na Bacoor. Ipinapakita nito ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod ng maayos na pamamahala ng basura.
Makiisa sa pagbabago tungo sa mas malinis na Bacoor!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.