During the City Government’s first flag raising ceremony for the year, Mayor Lani Mercado Revilla suggested 10 New Year’s Resolutions for government employees of the City of Bacoor. These are as follows:
Una, ako ay hindi na sisimangot. Bawal ang nakasimangot sa city hall. Pababanguhin ko ang buong city hall sa halimuyak ng aking ngiti.
Pangalawa, ako ay kikilos nang mas mabilis pa sa aking gawain. Bawal ang makupad sa city hall. Hindi ko na ipagpapabukas ang puwedeng tapusin ngayon.
Pangatlo, lalo ko pang sisipagan ang aking paglilingkod. Bawal ang tatamad-tamad sa city hall. Mula sa time-in sa umaga hanggang sa time-out sa hapon, magiging active mode ako.
Pang-apat, hinding-hindi na ako makikipagtsismis. Bawal ang tsismoso-tsismosa sa city hall. Kung magtsitsismis din lang ako, kakagatin ko na lang ng dila ko. Promise!
Panglima, hindi ako makikipag-away kahit kaninuman. Bawal ang palaaway sa city hall. Ako ay naniniwalang walang hindi nakukuha sa maayos at mapayapang pag-uusap.
Pang-anim, hindi ako magiging negatibo. Bawal ang negatibo sa city hall. Kapag may dapat gawin, hindi ako magfo-focus sa problema; magfo-focus ako sa solusyon.
Pampito, sa aking trabaho, ang trato ko sa lahat ay magiging parehas, pantay-pantay, walang sinisino. Bawal ang palakasan sa city hall.
Pangwalo, ako ay magkakaroon ng preferential option for the poor. Ang kapos sa buhay ay susobrahan ko sa paglilingkod, sa tulong at suporta, sa benepisyo at pakinabang. Sa Bacoor, ang mahirap, nililingap.
Pangsiyam, ang lahat ng programa at proyekto ni Ate Lani ay susuportahan ko nang buung-buo, walang pasubali, sa abot ng aking makakaya. Sa Bacoor, ang lahat ay nagtutulungan.
Pangsampu, ang serbisyo ko last year ay hihigitan ko pa this year. Deserved ng Bacoorenyo na mapagsilbihan ko sa isip, sa salita, at higit sa lahat, sa gawa.