Sa pangunguna ni Atty. Aimee Torrefranca-Neri at ng Housing and Urban Development and Resettlement Department (HUDRD), matagumpay na nailipat ang mahigit sa isang daang pamilya mula sa Barangay Zapote 1 patungo sa kanilang bagong tirahan sa Hyacinth Residence sa Barangay Calubcob, Naic, Cavite.
Kasama sa paglipat ang 52 pamilya na may kabuuang 208 indibidwal bilang bahagi ng batch 2 ng pagpapatupad. Layunin ng pagkilos na ito na magbigay ng bagong pag-asa at mas magandang kinabukasan sa mga apektadong pamilya na naapektuhan ng proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno.
Sa ganitong paraan, patuloy na pinatutunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa bawat mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan ng tulong at suporta para sa kanilang mas maayos na pamumuhay.