Nagkaroon din ng isang insightful session ang honorary guest speaker na si Mr Aek Sethi sa aktibidad, at nagpahayag ng mensahe sa video sina Sen. Risa Hontiveros at Vice President Sara Duterte-Carpio. Naging produktibo at makabuluhan ang mga talakayan at partisipasyon ng mga kawani ng lungsod sa aktibidad na ito tungo sa mas inklusibong paghahatid ng serbisyo para sa bawat BacooreƱo. Itinanghal din Best Dressed winner sa Solidary Night si Pepz Geluz mula sa Bacoor.
Lubos na nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Bacoor kay Ladlad Caraga President Ysang S. Bacasmas-Acosta sa oportunidad na ito. Nagpapasalamat din ang delegasyon ng Bacoor kay Mayor Strike B. Revilla at sa Gender and Devopment Unit ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa karanasang ito at pagkakataong maiangat pa ang serbisyo sa mga BacoreeƱo sa pagpapalawig ng kapasidad ng mga kawani ng pamahalaang lungsod.