Ibinahagi nina Mr. Christian Gawaran, Head ng Business and Licensing Department at ni Mr. Jayson Atienza, President ng Bacoor Chamber of Commerce ang kahalagahan ng mga business associations sa pang-unlad ng ekonomiya ng lungsod. Ito’y binigyang-diin pa ng mga Resource Speakers na sina District 2 City Councilor Reynaldo Palabrica at Cavite Area Head ng SMART Regional Customer Development Group, Mr. Adel Orcena. Dumalo rin si Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola na nagbigay din ng mensahe tungo sa mas produktibong serbisyo ng mga business associations sa lungsod.
Pinangunahan mismo ni Mayor Strike B. Revilla ang Mass Oath Taking ng mga business associations sa Bacoor. Inilahad din ng ating butihing Mayor ang kagustuhan na magkaroon ng pamamahalang katuwang ng bawat Bacooreñong negosyante upang mas payamanin at paunlarin ang lungsod.
Naging mas masaya pa ang aktibidad dahil sa raffle draws, mini trade fair, at concert bilang maagang pagdiriwang ng kapaskuhan. Strike as One tungo sa mas maunlad na Bacoor!