Masayang hinayag ni Mayor Lani Mercado Revilla ang mga kaganapan ng First 100 Days ng kanyang second term. Naririto ang ilan sa mga highlights ng report ni Mayor Lani:

Sa larangan ng peace and order, patuloy na binibiyayaan ang Bacoor City Police Station ng commendations mula sa sa Oversight Committee Meeting on Anti-illegal Drugs, Anti-illegal Gambling, at E-MPO. Nagsagawa din ang Bacoor PNP ng LTOPF Caravan kung saan 112 loose firearms ang isinuko sa ating lungsod.

Namahagi ang pamahalaang lungsod ng iba’t ibang service vehicles at equipment sa ating peace and order at safety agencies. Kabilang na dito ang manlift para sa Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office; SWAT truck, 6 patrol motorcycles, at handheld radios para sa Philippine National Police; 2 patrol motorcycles, personal protective gears, at handheld radios para sa Bureau of Fire Protection; Prisoners truck, 2 patrol motorcycles, handheld radios, long firearms para sa Bureau of Jail Management and Penology.

Sa larangan ng health at social welfare, inilunsad ang Alagang Ate Lani First 1,000 Days of Life Program na mag-aaruga sa kalusugan ng bagong silang na sanggol sa kanyang unang sanlibong araw at maging sa kanyang nanay. Kasalukuyang inaalagaan ang 50 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay.

Nagsagawa ng education campaigns, misting operations, at clean-up programs ang pamahalaang lungsod bilang pagtugon sa State of Calamity na idineklara sa ating lalawigan bunga ng dengue epidemic.

Nagkaroon din tayo ng anti-bullying and HIV prevention awareness program kung saan binigyang-diin sa mga estudyante ng Bacoor National High School ang ibayong pag-iingat at maagap na pagresponde sa dalawang problemang ito.

Sa larangan ng turismo, ang ating lungsod ay opisyal na idineklarang Marching Band Capital of the Philippines sa pamamagitan ng joint resolution na inakda ng Color Guard Alliance of the Philippines Inc. (CGAP Inc.), DrumLines of the Philippines Inc. (DLP), Pambansang Samahan ng mga Banda sa Pilipinas, Inc. (PASAMBAP), PhilBanda Inc. (PBI), Philippine Baton Twirling Association Inc. (PBTA Inc.) at ng Philippine Drum and Lyre Associates Inc. (PDLAi).

Sa larangan ng kalinisan at kaayusan, ang City Inspection Compliance Unit ay nagsagawa ng clearing operations sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bilang pagsunod sa Sangguniang Panlungsod Ordinance No 24 Series 2012, at Memorandum Order No. 35 dated July 29, 2019 kung saan ipinag-utos ang pagtanggal sa mga obstructions sa lahat ng public roads at streets. Sa pagtulong-tulongan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, mga barangay, at Bacooreno, nakamit ng lungsod ng Bacoor ang High Compliance Rating mula sa Department of the Interior and Local Government.

Naglunsad tayo ng anti-vandalism campaign kung saan nilinis natin at piniturahan ang mga waiting sheds. Ang programa ay nilahukan ng mga kabataan na nagpatunay na sila ay mga responsableng mamamayan ng ating lungsod na may malasakit sa kapakanan nito.

Nagkaroon ng Lakbay Aral sa Lungsod ng Las Piñas ang mga barangay officials ng Molino 3 at Foschai officers para matunghayan at malaman ang mga proyektong may kinalaman sa waste recycling.

Matagumpay nating idinaos ang ating 348th Founding Anniversary. Marami tayong mga activities and festivities, kasama na dito ang ating paglahok sa International Coastal Clean-Up kung saan sama-sama tayo, kasama ang marami pang mga tao sa iba’t ibang parte ng mundo, sa paglilinis sa ating mga baybaying dagat.

Nagkaroon tayo ng blessing and turnover ng multi-purpose center sa Mambog 1 at DepEd school building sa Ligas 1 Elementary School.

Idinaos din ang blessing and inauguration ng Alert 161 Building sa Talaba IV. Sa paglunsad ng Alert 161, mas mabilis na matutugunan ang mga emergency situations at makakatulong sa pagsawata sa krimen at paghuli sa mga masasamang loob.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan natin kina DOTr Secretary Arthur Tugade at DPWH Secretary Mark Villar ukol sa mga proyektong magbibigay ginhawa sa Bacooreno kasama na dito ang LRT-1 Cavite Extension Project at ang mga ongoing and proposed DPWH projects tulad ng Alabang-Zapote Road Extension Project, Zapote River Maintenance Road Project, Bacoor Diversion Road Project, mga improvements sa Aguinaldo Highway at Alabang-Zapote Road interchange, at flood control projects ng DPWH sa Cavite, partikular sa Bacoor.

Mayroon din tayong puspusang programa para sa housing para sa ating relocatees. Nakapag-relocate na po tayo ng 72 families sa Rancho Verde. Ito’y dagdag sa mahigit na 1,000 families na nalipat na sa iba’t ibang housing sites.

Kaugnay sa ating mga pagpupursige, nakatanggap ang pamahalaang lungsod ng iba’t ibang awards at commendations.

Sa culminating ceremony ng 24th Police Community Relations Month, kinilala si Mayor Lani Mercado Revilla bilang Community and Service-Oriented Policing (CSOP) Champion para sa kanyang outstanding service to the community, invaluable leadership, diligence, at dedication bilang Local Chief Executive. At noong nagdiwang ng 28th anniversary ang Bureau of Fire Protection, hinirang si Mayor Lani bilang isa sa Best Local Chief Executives at ginawaran ng Medalya ng Pambihirang Paglilingkod (Degree of Lakan).

Sa 21st Gawad Kalasag Regional Awarding Ceremony, ang City of Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Council ay kinilalang Regional Winner sa Best City Disaster Risk Reduction and Management Council category (Component City); at ang Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office naman ay kinilala bilang Regional Finalist sa Best Local Government Emergency Management and Response Team category.

Sa 14th ATOP-DOT Pearl Awards, ang Lungsod ng Bacoor ay nagwagi ng 1st Runner Up sa Best Tourism Oriented LGU City Category, 1st Runner Up sa Best Event Hosting para sa City of Bacoor International Music Championships, at Citation para sa Bacoor Assembly 1898 sa Best Tourism Event as a Commemorative Historical Event.

Nakamit din ng Lungsod ng Bacoor ang 2018 Seal of Child-Friendly Local Governance Regional Award mula sa Council of the Welfare of Children ng Department of Social Welfare and Development at ng Department of Interior and Local Government.

Isa sa mga finalists ang Lungsod ng Bacoor para sa Most Business Friendly Local Government Unit Awards 2019 ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Ang lahat ng ito’y para sa patuloy na pag-unlad ng Bacoor at ng Bacooreno. Mabuhay ang Bacoor! Mabuhay ang Bacooreno!

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani